Advertisement

MAG-INGAT SA NEW CORONAVIRUS 2019

MAG-INGAT SA NEW CORONAVIRUS 2019 Babala sa Publiko:

MAG-INGAT SA NEW CORONAVIRUS 2019
By Doc Willie Ong (Paki-Share po!)

Ang New Coronavirus ay hinihinalang galing sa Wuhan, China at kumalat na sa mga bansang Japan, Thailand at South Korea. Maraming kaso na at may nabalitang namatay na sa bagong sakit na ito.

Ang pinaniniwalaang paraan ng pagkalat nito ay ang pag-ubo o pagbahing kung saan naipapasa ang virus sa iba. Posible din makuha ang virus sa paghawak ng kamay.

Ang mga sintomas ng Coronavirus ay ang lagnat, ubo na may plema, hirap sa paghinga, at pulmonya. Puwede din magkaroon ng kidney failure.

Kung ang isang tao ay mayroong sintomas nito at NANGGALING siya sa isang lugar na may Coronavirus, kailangan siyang pumunta sa isang malaking ospital para masuri.

Tips Para Iwas Sa Sakit:
1. Lumayo sa mga taong inuubo para hindi mahawa.
2. Huwag muna makipagkamay o humalik sa taong may ubo. Kumaway na lang.
3. Maghugas ng kamay palagi.
4. Puwedeng magbaon ng 70% alcohol o hand sanitizer para laging malinis ang kamay.
5. Puwedeng magsuot ng facemask kung nasa lugar na maraming tao.
6. Palakasin ang katawan. Kumain ng masustansya at matulog ng sapat.


heal,health,home remedies,doctor,weight loss,food,nutrition,health tips,treatment,symptoms,diagnosis,natural,alternative,easy,cheap,effective,

Post a Comment

0 Comments