MGA KAPANAHUNAN
Eclesiastes 3:1
I
Wala ka bang, napapansin, \
Sa ating mga, kapanahunan?, \
Kay dumi, na ng mundo, \
Pati na ang mga gawa ng mga tao...
Refrain I
Ang Dios di na maaaring, magpatawad, \
Dahil sa kasamaang, ginawa ng mga tao, \
Subalit masdan mo kung saan nagmula ang lahat, \
Ito ay mula kay Adam, hanggang sa mga huling salin ng lahi...
II
Kaya ang lahat ng tao nakaranas ng kamatayan, \
Dahil sa kasalanang ating mga ginawa, \
Kahit ang kamatayan ni Cristo sa krus, \
Ay naging walang kabuluhan dahil sa patuloy na kasamaan...
Refrain II
Subalit sa biyaya ng Dios binuhay niyang maguli, \
Ang dalawang punong kahoy ng buhay, \
Upang sinumang makakain ng bunga, \
Siya’y mabubuhay na kalakip ni Cristo...
Instrumental
III
Ang mga binigyan ng pangalan ngayon lang muling binuhay
Ay kinakailangang Siya ay mabautismuhan, \
May mga pagsubok pa silang dapat na malagpasan, \
Upang ang buhay ay kanilang tuluyang makamtan...
Refrain III
Kaya ngayon ay ating pag-isipan, \
Ang mga bagay na ikalulugod, sa Dios, \
na ating pinaglilingkuran, \
Tayo ay lumapit na may lubos na pananampalataya at may mabuting kalooban...
IV
Sikapin nating huwag nang magkasalang muli, \
Upang tayo’y makaabot sa kaniyang kaharian, \
Sapagkat masdan mo ang mga batong dati ay kay tatag, \
Ngayo’y nagigiba dahil sa parusa ng Dios...
Refrain IV
Lahat ng bagay na hindi itinanim ng Dios, \
At ang hindi gawa ng Dios ay kaniyang bubunutin, \
Ingatan natin ang kaniyang mga utos, \
Upang mabuhay tayong may kagalakan...
V
Mayroon lang si Amang hinihiling, \
Lagi tayong magpapuri sa ating Dios na buhay, \
Ginawa Niya lahat ng awitin, \
Upang ito’y ating gamitin sa pagpuri...
composed by: Ama
0 Comments